Tuesday, June 23, 2020

When you are greeted with silence.


Nang balewalain ka ay naghinanakit ka. Ang ginawa nila ay nagsawalang kibo na lang. What does it mean?

1. Apathy.
Let him go. Hayaan mo bumaba sa tungkulin. Desisyon nya yan. Respetuhin. Kung ayaw na ay ganoon talaga. May mga darating pang ibang mang-aawit. Kaya naman natin na mga natitira. May mas importante pa tayong aasikasuhin. Di siya kawalan sa atin.
2. Guilt.
Manahimik na lang tayo. Huhupa naman ang galit niyan. Tsaka na natin kausapin kung ok na siya. Huwag na natin palalain ang sitwasyon. Wala na magsasalita. Umasa na lang tayo na magkapatawaran sa mga susunod na araw.
3. Shame.
Nahihiya na ako lapitan siya. Nahihiya na ako kausapin siya. Sumbat lang aabutin natin. Pakumbaba na lang tayo. Hintay na lang tayo ng tiyempo na kausapin siya.
4. Anger.
Huwag na pansinin. Hayaan mo maranasan niya ang mag-isa. May kasalanan din kasi siya. Magtiis sya. Walang kakausap dyan hanggang ma-realize niya na hindi pwede ang pag-iinarte niya.
5. Counter-grudge.
Ginawa naman natin ang makakaya natin. Hindi pa ba sapat iyon? Nasaktan din ako. Kung siya nagtatampo ay nagtatampo din ako. Amanos lang kami.
6. Give-up.
Bakit naman siya ganun? Sumuko agad. Unawain na lang natin siya. Sana magbago pa isip niya. Wala na tayo magagawa.
7. Confusion.
I dont understand why these things happen. I am confused. I have nothing to say.
8. Breather.
I need time to think all these things. Leave me alone for quite some time.
9. Hiding something.
I cannot express myself. Hindi ko pwede sabihin. Mas mainam na manahimik na lang. Para sa ikabubuti ng lahat.
10. Authority.
Di ako padadala sa anumang emosyon. Lider ako. I should be on top of things. I cannot be swayed by any misgivings of my people. Ano na lang sasabihin nila kung bibigay ako sa arte nila.

No comments:

Post a Comment